SCENE 1 (BALAGTASAN)
Play
writer: Zekaina Mae Ramos
Director:
Bianca De Leon
Music
by:
Genver Dagdag
Cast:
Carlo James Pascua – Cardo
Bernadette Ceriola – Alyana
Jaypi Pagaduan – Tanggol
Jezreel Anne Lazaro – Prinsipe Makata
Ryan Russell Perlas – Balagtasan 1
Justin De Guzman – Balagtasan 2
Maestro – Jayson Librado
Pinong – Jose Mandapat
Lalake 1 (kasama ni Pinong) - Almira
Lalake 2 (kasama ni Tanggol) – Joshua De Gracia
Crew:
Paulyn Pascua
Almira Carambas
Jose Mandapat
CAST: SCENE 2 (SAYAWAN)
Carlo James Pascua – Cardo
Bernadette Ceriola – Alyana
Jaypi Pagaduan – Tanggol
Jezreel Anne Lazaro – Emcee
Raven Casco – Claire
Jayson Librado – Jayson (aawat)
Extra:
Paulyn Pascua
Almira Carambas
Jose Mandapat
Bianca De Leon
Zekaina Mae Ramos
SCENE
1: BALAGTASAN
Pinong:
Uy dalian nyo dalian nyo! Baka mawalan tayo ng pwesto.
Lalake1: Ayan na naguumpisa na.
Pinong: Ito masaya to balagtasan. Panoorin mo matutuwa ka dito.
Lalake1: Anong matutuwa baka ngumawa.
Pinong&Lalake1: Hahahahahaha
Lalake1: Oh sino yung nasa gitna?
Pinong: Simula nung bata pa yan sumasali na yan.
Lalake2: Tanggol ayun yung babaeng trip mo oh. Alam mo mas bagay kayo. (Tatawa)
Prinsipe Makata: Hindi po ako magsisimula hangga’t walang palakpakan.
Mga tao: (Magpapalakpakan)
Prinsipe Makata: At lalong hindi po ako magsisimula hangga’t walang sigawan.
Mga tao: (Magsisigawan)
Prinsipe Makata: At lalong hindi po ao magsisimula hangga’t hindi pa ako binabayaran.
Mga tao: (Magtatawanan)
Prinsipe Makata: Kapitan wala ba tayo jan? Ay! Libre pala ito. At ito na nga po mga kababayan dito sa maganda nating kalikasan ay magtatagisan ang dalawang puso na may sinisimbulong damdamin isang taong nilisan at isang pusong nangakong babalik kinabukasan atin na pong simulan. Maestro music.
Maestro: (tutugtog ng gitara)
Prinsipe Makata & Balagtasan1 & Balagtasan2:
Di
maamin ng damdamin
Na
ngayo'y wala ka na sa aking piling
Araw
araw ang dalangin
Ay
mayakap kang muli at maangkin....
Ngunit
pa'no nga ba ang pag-ibig mo magbabalik
Batid
ko na nasaktan kita ng labis
At
sinabi ko sa o na kaya kong limutin ka
Bakit
ngayo'y hinahanap kita...
Prinsipe Makata: Payapa talaga ang pista dito sa probinsya pero sa pagibig marami paring nadidisgrasya kung dadalhin sa ospital ay kulang ang ambulansya paduduguin ang dibdib mo ng mga taong walang konsensiya alangan naman likod ano yun penitensiya.
Mga tao: (tatawa)
Balagtasan1: Ang umiibig nananatili madarama ba ang pagibig niyang hindi ka naman pinipili? Kung lumisan siya’t maghanap ng mas makinang na umaga para san pa’t umibig kung hindi ka niya isasama? Mabigat ang kamay ng oras sa kanya naghihintay lumalatay ang bawat hampas nito sa puso nakamamatay.
Balagtasan2: Sige isipin natin na ako’y umibig na inibig din ngunit paano kung sa pagkatao ko’y may ‘di na kayang tanggalin mga misyon na dapat kong harapin na siya mismong nagiging hinaing at ang gampanin ko sa ngayon ay ang obligasyon na ‘d niya pala kayang tanggapin pagka’t delikado at ‘di sigurado kung meron pa nga bang hihintayin ngunit asahan na matapos lang ang pinaglalaban ako’y babalik parin.
Prinsipe Makata: Babalik? Eh tinuring ka nang sinaing na nilapag lang sa hapag hinayaan na manlamig sa buong magdamag at kinabukasan babawi sayo si kumag huwag kang papayag ano ka? Sinangag?
Balagtasan 2: Basag
Prinsipe Makata & Balagtasan1 & Balagtasan 2:
Ikaw
pa rin ang nais ko
Damang-dama
ng puso ko
Mahirap
na dayain ang isipa't damdamin
Ikaw
pa rin ang hanap ko
Mapapatawad
ba ako
Muli't
muling sasambitin
Sinisigaw
ng damdamin
Mahal
pa rin kita, oh, giliw ko...
Balagtasan1: Ang nagmamahal naghihintay totoo pero para piliin ang sarili ang ituloy ang buhay kasalanan ba to? Hindi, Kasakiman ang hingin sa mahal na ihinto ang buhay nya dahil lang nawala ka. Paano kung ubanin ang kanyang buhok at hindi ka parin bumabalik? Paano na?
Prinsipe Makata: Paano na?! Malay ko sya kalaban mo eh.
Balagtasan 2: Oo, paano nga kung ako ay bumalik na sa mga oras na siya pala’y nilalamig na at gustong yakapin subalit alanganin kung ako’y patatawarin parin ba ngunit huwag niyo akong tututulan pagka’t bilang umiibig dapat nating matutunan na pagbuksan muli ang taong nagnanais mapunan ang pagkukulang.
Prinsipe Makata: Sandali, hindi ko na alam kung saan ako papanig pinagsisisihan ko tuloy kung bakit pa ako nakinig pero alam niyo dati akala ko masakit nang maputulan ng tubig pero mas masakit palang maputulan ng pagibig.
Mga tao: (Magpapalakpakan at magsisigawan)
Prinsipe Makata & Balagtasan1 & Balagtasan2:
Ikaw
pa rin ang nais ko
Damang-dama
ng puso ko
Mahirap
na dayain ang isipa't damdamin
Ikaw
pa rin ang hanap ko
Mapapatawad
ba ako
Muli't
muling sasambitin
Sinisigaw
ng damdamin
Mahal
pa rin kita, oh, giliw ko...
Prinsipe Makata: Maraming salamat po sainyo, Brgy. Santo NiƱo.
(Nagpalakpakan ang mga tao at nag bow ang mga nasa stage)
Pinong: Galing!
Lalake1: Ang ganda ng piyesa nila noh? Tumatagos sa puso.
Pinong: Nakakaiyak noh? Sana mapatawad na siya. Uy! Cardo, Alyana mamaya dun naman tayo sa sayawan mas masaya yun.
Lalake1:
Oo naman sayawan yun eh, kembot na kembot na ako oh.
(Magaalisan
ang mga tao)
(Pagbukas ng kurtina, sasabay ang isang malakas na tugtog na siyang hudyat ng pagsisimula ng sayawan. Papasok sa eksena si Cardo at si Alyana. Sa bilang na sampu, party-music change into romantic song)
Cardo: (titignan si Alyana)
Alyana: (titngin kay Cardo, maiilang at iiwas ng tingin)
Cardo: (Patuloy na nakatingin kay Alyana)
Alyana: (titingin kay Cardo, magkakatinginan sa mga mata)
Cardo: (Aayaing sumayaw si Alyana, ilalahad ang kamay) Alyana, p-pwede ba kitang maisayaw?
Alyana: (titignan sa mata si Cardo, titingin sa kamay na nilalahad, saka aabutin)
Cardo: (tinitignan si Alyana habang sumasayaw)
Alyana: (maiilang)
Cardo: Alyana.
Alyana: (titingin sa mga mata ni Cardo) oh, bakit, Cardo?
Cardo: Alyana hindi pa ba sapat yung mga ginagawa ko para masuklian lahat ng pagkakamali ko?
Alyana: Sa tigin mo ba ganun-ganun nalang yun Cardo? Hinintay kita! Pero sa bawat oras ng
paghihintay ko (hihina ang boses na parang naiiyak) para mo na rin akong pinapatay..
Cardo: Hindi lang din naman ikaw ang nasaktan Alyana
Alyana: (medyo tataas ang tono ng boses) Oo cardo! Alam mong naging mahirap din sayo yung desisyon mo, pero kahit bali-baliktarin mo man ang undo, hindi mababago nun ang katotohanang, sinaktan mo parin ako
Cardo: (naiiyak, ang tono ng boses ay nagmamakaawa) Alyana, akin ka nalang ulit.
Alyana: Cardo tama na (bibitiw sa pagkakahawak, tatalikod)
Cardo: (hihilahain ang kamay) Alyana sandali (mapapalapit sa isa’t isa, magkakatitigan sa mga mata, unti unting hahalikan si Alyana)
Emcee: Magandang gabi po ulit sa ating lahat nawa’y nag-eenjoy po ang bawait isa sa sayawan, sa pagkakataong ito, maaari na po tayong mag change partner
(si
Cardo at si Alyana ay maiilang sa isa’t isa)
Claire: (kakalabitin sa balikat si Cardo) Uy! Cardo change partner na daw, tara sayaw tayo?
Cardo: (titignan si Alyana)
Alyana: (Nakatingin kay Cardo)
Tanggol: Alyana, pwede ba kitang maisayaw? (ilalahad ang kamay)
Claire: Halika na Cardo
Alyana: (aabutin ang kmaya na inaalok ni Tanggol)
Cardo: (sasayaw sila ni Claire)
Tanggol: (magatanong kay Alyana habang sumasayaw) Anong meron sa inyo niyan, ni Cardo?
Alyana: (titingin kay Cardo)
Cardo: (nakatingin kay Alyana)
Claire: (hahwiin ang paningin ni Cardo pabalik sakanya)
Alyana: (ibabalik ang paningin kay Tanggol, bubuntong hininga) Wala. Walang.. walang kami ni Cardo
Tanggol: Mabuti naman kung ganon.
Alyana: (kukunot ang noo) Mabuti?
Tanggol: (ngingisi) Malay mo, saktan ka lang niyang.. Cardo na yan. Sayang naman yang ganda mo.Kung bakit naman kasi hindi mo nalang ibaling yung paningin mo sa iba
Alyana: (tatango) mm mm
Cardo: Ah, Claire saglit lang ha?
Claire: Oh, san ka pupunta? Sayaw pa tayo
Cardo: (magkakamot ng ulo) pwede bang mamaya nalang ulit?
Claire: Ha? Eh, hindi pa tapos yung kanta eh
Cardo: (Walang magagawa)
Alyana: Pwede na ba akong umupo? Masakit na kasi yung paa ko eh
Tanggol: nakikita mo namang hindi pa tapos yung sayaw diba?
Alyana: (mabibigla, kukunot yung noo) Masakit na nga yung paa ko (bibitiw at mistulang aalis)
Tanggol: (hihilahin yung kamay) Sinabing hindi pa tayo tapos eh (sussubukang halikan si Alyana)
Alyana: (Sasampalin si Tanggol) Bastos!
Cardo: (makikita ang pangyayari, bibitaw sa pagkakasayaw kay Claire) HOY! Bastos!
(susugod
upang suntukin si Tanggol)
Tanggol: (makakailag)
Cardo: (masusuntok)
Alyana: Cardo tama na!
(magkakagulo
ang mga tao)
Tanggol: (Iduduro si Cardo) Wag mo kong sinusubukan Cardo!
Cardo: (iduduro din si Tanggol) Wag mo rin akong sinusubang hayop ka! Bastos!
Justin: (aawatin si tanggol) Mga pare tama na, nakikita niyo, nagkakagulo na yung mga tao dahil sainyo
Tanggol: Wag kang mangealam dito (Susuntukin si Justin)
Justin: (mapapaupo, makikita yung dugo sa ilong, mahihimatay)
Cardo: (susugod) walang hiya ka talaga!
Tanggol: (masusuntok)
(magsusuntukan
si Cardo at Tanggol, mabubuogbog si Cardo)
Alyana: (Umiiyak) Tama na Cardo! (lalapitan si Tanggol) tumigil ka na!
Tanggol: Manahimik ka! (Sasamapalin si Alyana)
Alyana: (Hahawakan ang nasampal)
Cardo: Alyaanaaa! (titingin kay Tanggol ng may gali sa mata) Papatayin kitang hayop ka!
Tanggol: Baka ikaw pa ang mamatay. Hahaha!
Cardo: (susugurin ulit si Tanggol)
Tanggol: (tututukan ng baril si Cardo)
Cardo: (Mapapaatras)
Alyana: Wag, parang awa mo na, huwag
Tanggol: Oh ano ka ngayon Cardo? Sabi ko naman sayo kilalanin mo muna kung sino tong kinakanti mo (ikakasa yung baril, itututok kay Cardo)
Cardo: Tumigil ka na!
Tanggol: (ituturo yung sarli gamit yung baril) Ako? Titigil? Sino baa ng nauna? Hindi ba’t ikaw?
Alyana: Parang awa niyo na, tumigil na kayo! (umiiyak)
Tanggol: (lalapitan si Alyana) Abaaa, tignan mo nga naman tong magandang binibining ‘to. mas maganda siguro kung magkasama kayong sa hukay o di naman kaya, saakin ka nalang habang buhay (tatawa, mauubo)
Cardo: Wag na wag mong idadapo ang maduduming daliri mo sakanya kung ayaw mong sunduin ka na ni kamatayan!
Tanggol: Hahaha! Nakakatuwa kayong pagmasdan! Pero mas matutuwa ako.. kung mamamatay ka! (babarilin si Cardo)
Alyana: Cardo! (hahagulgol, mapapatakip ng bibig)
Cardo: (matatamaan sa balikat, susugurin pa rin si Tanggol) mamamatay kaaaa!
(matatanggal
ang baril sa pagkakahawak ni Tanggol, parehas na mag aagawan sa baril)
Tanggol: (makukuha ang baril, ikakasa) Paalam Cardo (babarilin si Cardo)
Alyana: (haharang kay Cardo, mababaril)
Cardo: (matutulala)
Tanggol: (babarilin si Cardo ngunit makakrinig ng busina ng mga Police)
Cardo: Alyana, Alyana, gumising ka. Ddalhin kita sa osopital, alyana wag mo munang ipipikit yang mga mata mo
Alyana: (umuubo, ubo, hahawakan ang pisingi ni ni Cardo, mahihirapang magsalita) masaya ako dahil nakasama kita ulit (uubo)
Cardo: Alyana, huminahon ka lang, parang awa mo na (umiiyak)
Alyana: (pupunasan ang luha sa pisngi ni Cardo) ma- (uubo) hal na, ma-ha-hal ki-ta, Cardo
Cardo: (umiiyak) Mahal na mahal rin kita Alyana, parang awa mo na, huwag mo kong iiwan
Alyana: Hi (uubo) hintayin pa-rn ki-kita ma-hal ko (ipipikit na ang mga mata at bibitiw na sa pagkakahawak sa pisingi ni Cardo)
Cardo: Alyana, alyana, gumising ka, Alyana hindi pwede to (umiiling) huwag mo kong iiwang parang awa mo na (humahagulgol) Alyaaaanaaaaaaa
(Sasara
ang kurtina)
==The End==